I started working as a government employee in 2011 . I have a take home pay of 18k/mo. As single, it’s quite overwhelming for me to received that kind of salary. But since Malayo yung workplace ko sa house namin, nagrerent ako. I rented a room for 1k/a month. Cavite area kasi ako kaya may ganyan pang ka cheap na room for rent. I don’t have transportation expenses since walking distance yung apartment ko sa office. Libre din food sa work. Bumibili Lang ako pag nauubusan na kasi support lang yung food samin dahil malayo kami sa palengke and we need to take tricycle before ka makarating sa highway . Tricycles on that area are way too expensive. OK! So at first, OK naman ako . May naiipon ako. I am neither techie nor brand conscious. The more cheap the item is, the more I like it. The only luho I have is pampering myself. Every month, I go to salon to have my facial done and massage as well. It’s my way of releasing all the stress I accumulated from work. Ever since napahiwalay ako sa family ko, I become more interested in budgeting. And I realized na Hindi lang Pala mahirap magbudget kapag kokonti pera mo. Eto, walang bragging or something, ang hirap din magbudget pag alam MO na after MO ma deduct lahat ng expenses mo, madami ka PA matitira. Why I said so? Kasi nakakatamad na. Why do I have to monitor my expenses kung Hindi PA nga ako nakakakalahati ng nagagastos ko sa sahod ko. I mean , kahit gumastos ako , I know malaki pa matitira kasi I have my priorities . And I always stick to my priorities . Kokonti lang naman talaga that time Gastos ko . Rent-1k, electricity/water bill-almost 500 (de kuryente tubig dun), toiletries-500, facial, 1k, massage, 250. That all. That time, 23 years old Lang din ako. So, yung mga biglaang gastos, kapag nagkakayayaan sa office na kumain sa labas .
So, dahil nga sa pananaw ko na di ko kayang ubusin sahod ko, di na ako nagbabudget. And then, eto na ang mga tukso . Frustrated business woman kasi ako. I always imagine myself managing my own business. Sa work namin, madali Lang magloan. 2hrs release. Lahat ng ka workmate ko , may Loan na, ako, Wala pa kasi I don’t need it. Saan ko naman dadalhin yun. Pero as we all know, nakaka enganyo talaga yung mga loan companies. Maglalaway ka talaga sa offers Nila eh that time , atat na atat ako magbusiness. Boom ang computer shop non kaya naman nagsearch ako sa net kung Mag Kano starting capital ng computer shop . Then I discovered OLx. Di nga Kasi ako techie. Nakahawak Lang ako ng computer na may internet sa office na, ahahaha! Pero I know naman the basics. Sa social media lang talaga ako Tanga. Sa olx, dami nagbebenta ng mga computer shops until nakita ko yung isang shop selling their business for 130k, 10 units, w/space pero siyempre separate bayad but no need for advance/deposit. Included na siya sa 130k. The shop is at Las piñas and Im from cavite. Honestly, kung walang traffic, keribombom lang yung layo kasi pag lampas ng bacoor eh Las piñas na . I went to the place, operational yung shop. Dami gamers. I don’t know about computers as I’ve said, especially games or anything about social media . I just know the microsoft office and how to print , yun Lang alam ko but out of eagerness, nakipag close deal ako sa may ari. Di na ako nag isip. Nagloan ako 200k, yes! Pwede kami magloan ng ganun kalaki .6k deduction niya /mo. Ok padin , may 12k PA ako matitira. Malaki padin. I paid 130k. May kinuha ako taga bantay, Wala kami usapan sa salary. Basta pakain ko lang siya, at allowance kasi taga batangas siya. And since babae siya, after work, kailangan ko siya samahan sa shop kasi stay in siya. So, Parang yung apartment ko , wala nalang. First day , nasa work ako , nag update staff ko, may 2 computers na di nagana. So , naaasar ako kasi I thought OK yung mga units. Pero sabi ko , OK Lang, may 8 units pa naman. Lunch break, tumawag ako, tinanong ko kita, wala pa daw. Baka daw hapon PA kasi pumapasok pa. Tawag ulet ako ng 5pm, meron naman pero 100+ palang . 20pesos/hr lang kasi kami . So ako, panic , nasaan na yung mga gamers. Until 9pm kami open so after work, nagpunta agad ako shop, pagdating ko dun, may 5 bata naglalaro so nacalm ako. Yung 5 yun, di na nadagdagan. Pinaka matagal naglaro sa kanila 2hrs. May mga pumupunta naman pero para magpaprint Lang kaso piso print Lang kami. Kaya wala masyado kita dun. Natapos ang first day , 250 lang ang kita minus 50 PA lunch ng staff ko. Hapunan, ako na ang bumili, 100+ mineral water. 2nd day, dahil medyo nahirapan ako magbiyahe , nagsuggest yung staff ko na kung puwede isama pinsan niya , babae din para di nadaw ako magpunta everyday. So pumayag ako. Nagpadala ako pamasahe. Sa office ko siya pinareport . Kilala ko din naman siya then sabay kami nagpunta shop. That day, almost 600 naman kita pero mababa padin kasi 8k rent sa shop, di ko pa alam electricity pero according sa may ari, 1500 lang naman daw, 1k para sa internet, 2mbps lang kasi, water ,wala pa daw 200, 5200 pakain ko sa 2 Kong tao(100/day,once a week ang off ), 5k salary (tig 2500 muna sila) at 1500, transportation allowance nila. Di ko na kinocompute gastos ko kapag pumupunta ako at food na binibili ko sakanila which is mali. Medyo nagwoworry na ako that time kaya nag text ako sa seller. Sabi nila, ganun talaga pag weekdays , pag weekend daw madami kasi walang pasok . 3rd day , Friday , I expected na madami sa hapon pero bumaba PA sales, 200 nalang. I expect nalang the next day, Saturday, makabawi. Di muna ako nagpashop, nakakapagod din because of traffic at the same time, napapansin ko, lumalaki Gastos ko. I’m planning to re-sale din the shop kasi nga nawawalan agad ako ng pag asa. Saturday, nagbantay nadin ako, 8am kami nag open , may mga bata na nagpaprint na agad and naglaro pero tig 1hr lang pero happy ako. Ang aga PA May benta na. Then habang nagpiprint, nagloko Si printer. Eh lahat kami di marunong so ang nangyari, pinalipat nalang namin customer, sayang. May malapit na computer shop pero sabi ng seller, mahina naman daw yun. So laking hinayang ko , sales Sana yun . Yung 2 bata naglaro sa umaga, nasundan mga 3pm na. Hoping ako, magsusunod sunod na talaga siya pero nagreklamo gamer kasi mahina daw net. Kaya after an hour , umalis nadin siya . I decided na mag ikot sa area kasi nastress ako . Nakita ko comp.shop na malaki 100meters away sa shop namin . Puno ng gamers, grabe sama ng loob ko . Sabi ng seller , isa lang daw yung com. Shop na kalaban namin, mahina din daw yun tapos nakita ko, may malaki Pala comp. Shop dun, air-con PA , same rate Lang din kami . That time, nagdecide ako na ibenta ang shop kasi I know na di kikita yun . Kinausap ko yung 2 pero sabi nila , itry pa daw ng 1 Week. Ayoko na talaga pero sinubukan ko, ibinaba ko din rate ko . 10/hr nalang. May naakit naman pero since palpak nga ang computers at mahina net , kokonti padin customers. That week , dumating bill ng kuryente, usapan kasi , hati na kami. Dapat Pala di ako pumayag kasi 1 week palang ako . Pero sabi kasi ,1500 lang daw yun, so, 750 kaya pumayag ako . Eh pagdating ng Bill, 4700. Galit ko , tumawag talaga ako sa seller, sabi ko , may previous balance PA sila pero according to them , bayad na daw yun . Di ko PA kasi alam dati na kapag naabot ka cut off, kahit bayad ka na, magrereflect PA din siya sa susunod na Bill . So inaway ko si seller + sinisi ko sila . Sabi ko niloko PA nila ako kesyo 1k/day pinaka mahina yun pala, 100, pahirapan pa . I inform them na ibebenta ko shop , aba , sabihan ba naman ako na ang price ko wag daw tataas sa price na binigay nila sakin . Sabi ko , wala na sila pakialam dun, kung may bibili 200k, it’s none of their business. Sakto , may buyer na tumawag sa store , yung previous owner PA hinahanap, nagpanggap ako na kamag anak . Pina asikaso Lang sakin . so nakipagmeet yung next buyer sa shop , after closing hour ko sila pinapunta para solo shop. Siyempre , tumawad, at dahil sa sobrang gusto ko ng bitawan , binigay ko sa 90k. Ako PA bayad sa palipat ng ownership . Di ko na alam nangyari sa next na may ari . I feel sorry coz I know, hard earned money niya yun . I just pray na Sana , nagawan niya Paraan lumakas ang shop.
after ko mabenta shop , binigyan ko lang tig 500 staff ko kasi wala pang 1 week sila nag work + Sagot ko lahat pati food and transportation nila . Yung 90k na napagbentahan ko , binank ko muna kasama yung 70k PA na tira sa 200k na loan ko . Medyo na stress ako sa nangyari and nanghinayang sa 40k na naloss ko in just a week. Di ko na kinuwenta yung other expenses ko . So sabi ko , lay low muna sa negosyo , focus muna sa work. Ang importante, Di naubos niloan ko.
Segway ko lang konti kasi yung character niya, important sa next chapter. nagkaroon ako ng boardmate . Bago lipat sa office , taga Laguna naman siya. so niyaya ko siya to share nalang sakin . parehas kasi kami solo flight pero married na siya and may sang anak . bata padin siya , maaga lang nag asawa . Actually, may isa pang room na vacant pero ayaw na ng may ari paupahan kasi di naman daw talaga paupahan yun . Naawa lang sakin kasi wala ako matirhan , hehe !
Back to topic, 1 year ako nagstop maghanap ng business for sale. medyo nadala nadin kasi ako . Eh yung kaboard ko, business minded din . Nampa ATM pawn, online selling, nagbebenta ng golds, so parang naeengganyo ako pero we’re different . Siya kasi ,Prangka , mataray talaga at bossy. Bagay sakanya yung magpautang kasi kapag nabulyawan Niya, babayad talaga kaya I know ,Di ako para sa ganung business .Nahihiya kasi ako Mag alok kaya gusto ko business , yung uupuan Lang . That time , kami din magkashift sa work. Dahil busy nga siya sa business niya, minsan , shift na niya , Wala padin siya or off ko na , nirerequest niya padin na pumasok ako kasi alam niya Di naman ako umuuwi palagi . Don kami nagkaconflict kasi ng nagtagal , ang nangyayari , wala na ako off . Pag shift niya , mas madam padin ako ginagawa so may mga nagpayo na umuwi nalang daw ako kesa inaalipin niya ako . ganun na nga ginawa ko eh since nagpapautang siya sa office, nagka paksyon tuloy . halos lahat ng girls , kampi sa Kanya . Solo Lang ako kasi di naman ako masyado nakikisalamuha . Ang dami ko kasi workload , magkakaiba kami section and sila , madam lagi spare time to chit chat at magtsismisan . Na OP ako , na outcast, but it’s fine .I’m used to work alone and eat alone. It’s not friendship kung nakikipagplastikan kalang. Friendship is sacred to me. Kokonti friends ko to be honest but they are the best ones for me.
And Yun na nga , nagkaroon ng Cold War sa pagitan namin. bago kami magkaaway , nirequest Pala niya na humiwalay, so nakiusap kami Baka puwede rentahan yung kabilang room . mas maliit yung kabila pero mas malinis kasi pinis na wall unlike sa room namin na rough pa. Pumayag naman may ari . Nakiusap naman itong kaboard ko na kung puwede ako ang lumipat kasi kokonti daw gamit ko. Pumayag naman ako pero may mga commenters sa office na nagsabi , dapat di daw ako pumayag kasi ako naman daw nauna magrent tapos mapupunta ako sa mas maliit. Eh naka oo na ako kaya Di ko na binawi . For me walang kaso talaga , minsan , ibang tao Lang naman nagpapasama kaya naiisip mo nilalamangan ka ng iba .So yun na nga , since fine ang wall ng sakin, pinaint ko siya , 500 Lang nagastos ko. ako na nagpaint. ganda ng kinalabasan. aba, si boardmate, nagsabi, kung mahihirapan daw ako maglipat , sila nalang daw lilipat tutal ako naman daw nauna magent. Bayadan nalang din daw nila gastos ko . ngek! Ano kaya yun! Yun , medyo foul sakin pero I just need to said NO. Wala naman dapat issue pero after that , parang Di na kami ok . Tapos , sa duty PA nga namin sa work , nagka conflict na. hanggang sa Mag away na talaga kami to the point na nagdidikit kami ng letter sa pinto ng room ng bawat isa samin . Common kasi Cr, lagi siya nagrereklamo na siya nalang daw naglilinis ng banyo ako gamit Lang ng gamit . Tapos yung mga sabon ko daw na paubos na , Kalat sa floor, ayaw ko nalang daw itapon . Guilty ako dun pero di ako balahura gumamit . Di ko dinudumihan ang cr , siya nga, napkin , di maitapon, nakadisplay sa cr , buti akin , sabon Lang . After nun , dinadala ko na yung toiletries ko sa room , nilalabas ko nalang kapag gagamit ako cr . One time , maliligo ako , wala timba . Itinago niya sa room even tabo kasi siya daw bumili nun .Totoo yun pero dumating siya , may tabo at timba ako dun . Nasira na yung timba , naalis yung handle , medyo na crack din almost half. siya din ata nakasira nun kasi nakita ko nalang nasa labas ng cr tapos may bago na . no choice ako, buti di PA natatapon sirang timba pero matagal na siya sa labahan. nilinis ko nalang at ginamit kasi di ako makakaligo . Then , I bought my own nalang .
sa office naman , lagi niya pinapakita bago niyang gadget , yung pagiging fashionista niya, lagi siya nagyayaya lumabas tapos iwan ako . eh napuno ako . Competition begin .ayoko patalo . Bumili ako air-con sa room , 46inc flat screen TV, InductIon stove at ref . yung niloan ko pinambili ko . tapos ginusto ko talaga maging mas maganda sa Kanya Kasi GGSS siya. so nagkuha ako ng packages sa salon , 20k yun . body peeling and bleach , 20k din. Medyo fail Lang talaga ako sa attire. Annie batongbakal tawag sakin kasi honestly , baduy talaga ako . Sabihin na natin na naubos ko first loan ko dahil lang sa gusto ko siya tapatan .
Eh siyempre , Di nagpatalo . Nag start siya basahan business , naiingit ako . Kailangan ko din business , naghanap ako ng binebentang store. Nakita ko si pasalubong business . 200k. 30k/mo daw ibabalik sakin monthly, so as usual, di na naman ako nag isip . Tiningnan ko agad ang kikitain ko . So nagloan ako. Ang problema, may limit puwede namin iloan , kailangan may matira ka na 7650/mo. Eh 12k nalang pera ko , need ko 200k. Inoffer sakin Sangla ATM, So nagkaltas 6k ulet , eh di may 6k nalang ako kaso wala na sakin ATM . Monthly , pupunta ako office nila para kunin sukli ko . OK si pasalubong, totoo , 1st mo , 30k. Eh di sobrang tuwa ko. Bawi kasi eh . Inisip ko kumuha sasakyan pero ayoko naman mas mapahiya pag di ko nabayadan so stayput muna idea ko na magka car . Ang hirap kasi kumuha ng supplies , ang Mahal ng taxi, napapaaway PA ako minsan . The next month , Medyo bumaba sales , roughly tig 20k nalang kami pero malaki padin . yung partner ko, buntis and kabuwanan na niya . So sa 3rd month, ako na namahala ng shop . mayabang PA ako at first , nagagalit ako pag pinapangunahan niya ako which is maling mali kasi siya mas nakakaalam ng business . So ayun , nanganak siya . Grabe hirap Mag isa . May work ako cavite tapos need ko magbiya PA pasig kasi andun shop . Tapos kailangan ako PA bibili ng stocks . Medyo nagkaprob ako sa work ko kasi minsan , di nila ako matawagan at busy ako . Sobrang bobo ko PA sa negosyo . Nung kumita shop sa PA 3rd mo . Hinati ko agad tig 30k kami without buying stocks . Nakalimutan ko na need ko I replenish yung items bago kami maghatian . Eh di di ko masabi sa partner ko kasi nagagalit nga ako pag pinagsasabihan niya ako sa business .So the next mOnth, bumaba sales kasi parang wala ng 30k yung stocks namin . Para makasurvive , yung 30k ko , ibinili ko ng stocks , so 60k na , Medyo bumalik sa dati benta pero eto na dahil trusted ko na si tindero sa pagmamanage . di ko alam bakit nauubos stocks pero wala pumapasok . and ayun , sinabi ng katabi Kong tindahan na baka daw nangungupit. I found out din na mali pricing niya sa paninda . Like banana chips na 22 pesos, binebenta niya ng 12 lang . And nakikipagtalo PA sakin na yun binigay Kong price . Buti nalang, do ko dinidele Te yung mga text niya . Pahiya siya sakin . 4th month, inuna ko bayadan rent namin which is 18k. Wala ng natira , nabawasan PA fund namin sa stocks . Sinabi ko sa partner ko and nagalit Siya KaSi Paano daw nangyari na naubos ang stocks . So sabi ko, before PA kami mabaon sa utang sa rent , magdecide kami kung magdadagdag kami ng kapital o tigil niya. Siyempre , ayaw niya Mag add , kesyo kasalanan ko daw which is true . So dahil nag away na kami ,failure talaga ako sa human relations, hehehe ! Bumitaw ako and kinukuha ko yung 200k ko na partnership kuno eh Wala mama sila pangalan talaga . Pero ayaw na niya ibalik , after 2yrs nga daw , pag gusto ko PA ituloy , bayad ulet ako, what the ? May potential talaga business kaso , napapagod nadin ako . And ayoko PA mawala yung 60k na stocks . Hinati ko na yun and kinuha 30k kasi hello , 6k nalang sahod ko . Di na ako mabubuhay dun kaya dapat may nakatabi ako in case magkaprob ako sa salary . Umuwi ako ng apartment na lumong lumo . May air-con nga ako , pero di ka magamit kasi alam ko , at the end of the month , wala naman ako pambayad na malaki . Pero , di dapat malaman ng ka board ko na lubog na ako sa utang . I have to continue our fight . I pretend na boom ang shop . So maririnig niya yun and gusto ko ipamukha na ganun business . 30k / MO kita Hindi barya barya sa basahan . Pero deep inside, inggit na inggit agko kasi , basahan nga Kanya pero nakakapasyal siya lagi kasi may kita talaga siya. Ako, yabang lang . Gusto ko talaga bumangon , for the very last time , isinugal ko yung sahod ko leaving me 2700/mo. This time , kasyoso ko sister ko . Rtw and souvenir items. We even sell shoes and slippers. Kumikita pero break even Lang . Tama lang rent at pang sahod . Nag advice samin yung family namin na itigil na after ilang months na talagang mahina . So bagsak presyo kami para makabawi man Lang kahit paano . Nakakuha kami tig 15k PA ng kapatid ko . that time , Natauhan ako . Kaya ko PA ba mabuhay ng 2700 ang Sahod Ko? Pero honestly , di ako umiyak . From that very moment , nilunok ko lahat . Ibinalik ko Ang dati Kong sarili. Hindi ako dapat nakipag compete specially I don’t have knowledge sa ginagaw ko. So yung 15k na naibalik sakin , itinabi ko . Yung ref ko , ibinenta ko para makatulong sa akin . Kumuha ako ng papel at ballpen . Isinulat ang expenses na fix at dpaat bayadan agad . Rent at bills, yun ang fix . Inalis ko load ko, may messenger naman eh . Sa food , nakakasurvive naman ako sa food sa office kaso weekend kasi , Wala office so Sagot ko weekend . Buti may rice sa office kahit weekend, ulam lang bibilhIn. Eto breakdown ng expenses ko nun
2700-salary
1k -rent .
500-bills
500 Transportation pag umuuwi
500-food (weekend only)
200-tithe
Yes! very good ako fun. kahit gipit ako , di ko ginipit Si lord. Lalo ako sumisimba. Minsan, every Sunday pero kapag talagang kukulangin , twice a month . Mahal kasi tricycle . Yung tithe ko , baka 20pesos nga lang kasi pamasahe napuPunta Iba pero wala naman presyo ang pagtulong.
Yung budget ko sa food , may lumalabis PA dun kasi minsan, kapag may pagkain sa office ng weekend , tinatawag ako at dun ako pinapakain . Kapag may B-Day naman, sumasama din ako. Masasabi ko na nakakatakot pero napaka fulfilling ng malagay ako sa ganung situation . Nakakatakot in the sense na kapag biglaang may bayadan, wala ako babayadan peroxide fulfilling lalo na kapag nasusunod ko yung budget ko at may natitira PA ako. To be honest , yung 15k na natira sa last name business ko , nasa Bank PA yun . Di ko siya winiwithraw kasi sabi ko nga, for emergency lang yun. Talagang pinagkasya ko 2700. Sa totoo lang din, nakasurvive ako dahil nga libre food sa office . Pero minsan , susubukan kadin talaga ng pagkakataon. Nagbago ang boss namin . Napalitan . So kapag bago boss, bago rules . Una nabago, ang food sa umaga, para Lang sa may shift ng nakaraang gabi. So yung papasok ng umaga , dapat kumain na sa bahay . 2nd, dapat Sabay Sabay kakain . Kasi kapag nakapag ligpit na , Wala na . Eh minsan , habol ako sa oras. Di ko mabitawan work ko. May pagkakataon din may client, di ko maiwan ng di kami tapos . Noong una, napapakiusapan ko ang cook na ipagtira ako and nagtitira naman sakin kasi nakikita niya busy ako pero yung mga kontrabida sa buhay ko, sinumbong ako sa boss ko. Eh Di nag utos wala daw special treatment . Walang pwede magpatira